GOOD NEWS | Petisyon ng commuters group na ibaba na ang pamasahe, didinggin

Manila, Philippines – Didinggin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na linggo ang petisyon ng mga commuter group na ibaba na ang pamasahe kasunod ng serye ng rollback sa presyo ng produkto petrolyo.

Ayon kay RJ Javellana ng United Filipinos Consumers and Commuters (UFCC) – isasalang sa pagdinig ang kanilang petisyon sa Martes, December 4.

Nakasaad aniya sa kanilang petisyon na ibaba sa ₱8 ang minimum fare sa mga jeep, ₱10 at ₱12 minimum fares para sa ordinary at air-conditioned buses.


Una nang sinabi ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III na kahit nais nilang resoblahin ang isyu sa fare adjustment sa lalong madaling panahon, kailangan pa ring sumailalim ito sa proseso.

Sa ngayon, mananatili pa ring ipatutupad ang mga bagong minimum fares.

Ang ₱10 minimum fare sa jeepney ay ipinapatupad sa Metro Manila, Region 3 at 4.

Facebook Comments