Manila, Philippines – Hindi na kinakailagang sumadya sa tanggapan ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) at Government Service Insurance System (GSIS) ang mga pensioner na may edad 80 pataas.
Dahil ang PHLPost at GSIS na ang mismong tutungo sa inyong mga bahay para magsagawa ng door-to-door service.
Sa ilalim ng proof of life program, ang GSIS status verification forms ay ipapadala sa registered address ng mga pensioners may edad 80 pataas at ang mga interview ay isasagawa na rin sa kanilang mga bahay para i-verify ang kanilang pagkakakilanlan.
Ayon kay Postmaster General Joel Otarra, malaki ang maitutulong nito sa mga pensioner lalo at ang proseso na ang mismong pupunta sa mga retiree.
Nasa 66,691 pensioners ang makikinabang sa proof of life program ngayong taon.
Paalala ng PHLPost sa mga miyembro nito na palaging ihiling sa mga PHLPost representative na ilabas ang kanilang valid ID bago silang payagang pumasok sa inyong mga bahay para magsagawa ng interview.