GOOD NEWS | Pinay OFW na ikinulong, nailigtas at nakauwi na ng bansa sa tulong ng DZXL

Manila, Philippines – Good news, wala pang isang linggo nakabalik na ng bansa kaninang umaga ang isang Pinay domestic helper sa Bahrain na ikinulong ng halos dalawang linggo at hindi pinapakain ng kanyang amo.

Una rito, lumapit si tatay Gregorio Celoso Andrade Jr., sa RMN Bacolod hinggil sa kaso ng kanyang misis na si nanay Mary Mae Andrade na siya namang ini-refer sa DZXL RMN Manila.

Kwento ni tatay Greg, noong Mayo 2018 natapos ang apat na taong kontrata ng kanyang misis at pabalik na sana ito ng bansa pero, hindi ito pinayagan ng kanyang amo dahil wala itong kapalit.


Hanggang nitong Agosto ay dumating ang kapalit na Pinay domestic helper na si Jeramie Alvarez pauwi na sana ng bansa si nanay Mary Mae, pero ikinulong ito ng kanyang amo kasama ang DH na si Jeramie.

Dito na humingi ng tulong si tatay Greg noong Biyernes (August 31) sa RMN Bacolod at inilapit sa RMN Manila.

Agad din nakipag-ugnayan ang DZXL sa tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) partikular sa Repatriation and Assistance Division (RAD) sa pangunguna ni RAD Officer IV Marissa Cruz, ay agad itong nagpadala ng mensahe sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) Bahrain.

Sabado (September 1) ng tawagan ng POLO Bahrain ang employeer ni Mary Mae na si Senan Saad Rabia Aldoseri at nangakong pauuwiin na ang ating kababayan at tatratuhin ng tama ang kapalit na Pinay DH.

At nitong Martes (September 3) ay inihatid si nanay Mary Mae ng kanyang amo sa airport pabalik ng Pilipinas.

Sa exclusive interview ng RMN Manila kay tatay Greg, lubos siyang nagpapasalamat sa ibinigay nating aksyon gayundin sa tanggapan ng OWWA at POLO Bahrain na tumulong para makauwi ng bansa ang kanyang misis.

Bago ito, lumapit din sa kanilang capitol at iba pang media organization si tatay Greg pero pinaghintay lamang siya hanggang idulog niya ito sa RMN.

Facebook Comments