Bahagyang nakabawi ang piso kontra dolyar sa pagsasara ng trading kahapon.
Kahapon ay umabot sa P53.70 ang palitan ng US dollar kontra piso mula sa P53.97 noong Huwebes.
Matatandaang sa nakalipas na mga araw ay patuloy ang pagbulusok ng piso dahil sa presyuhan ng produktong petrolyo sa world market.
Inaasahan namang patuloy na sisigla ang halaga ng piso dahil sa papasok na remittances ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Facebook Comments