GOOD NEWS | PNP wala nang narerekober na shabu lab sa bansa

Hindi na nakakadiskubre ng shabu laboratory sa bansa ang Philippine National Police (PNP).

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya tama ang pahayag Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati na wala nang shabu lab sa Pilipinas.


Paliwanag ni Albayalde simula ng pumasok ang Duterte Administration naging relentless at massive ang kampanya kontra iligal na droga.

Ang huli aniya nilang narekober na shabu lab ay sa Arayat Pampanga.

Pero inamin ni Albayalde na ang mga nakakalat pa ring iligal na droga sa bansa ay ang mula sa labas pasok na finished product na iligal na droga na kanila ngayong tinututukan.

Patunay aniya rito ang ilang pirasong containers na laman ay 27 kilos ng cocaine na natagpuan palutang-lutang sa karagatang sakop ng Camarines Sur.

Facebook Comments