Manila, Philippines – Pinalawig na ng Smart Communications at Globe Telecom ng hanggang isang taon ang validity ng prepaid loads.
Ibig sabihin, sa loob ng isang taon ay hindi ma-e-expire ang mga ilo-load na mas mababa sa 300 pesos.
Una nang ipinatupad nitong Enero ang pagpapatupad ng one-year validity period sa mga prepaid load mula 300 pesos pataas.
Tumalima ang telecom giants sa memorandum circular na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT).
Sa statement ng Smart, ang lahat ng load denominations para sa Smart prepaid, Smart bro, Talk n’ Text, Sun prepaid, Sun broadband wireless prepaid, Smart link, smart marino, PLDT prepaid landline plus at PLDT home ay valid na ng isang taon.
Ang Globe prepaid subscribers ay ma-e-enjoy na rin ang one-year load validity.