Manila, Philippines – Bumaba pa ang presyo ng ilan sa mga manufactured noche buena items habang papalapit ang pasko.
Ayon kay Department of Trade and Industry Usec. Ruth Castelo – mismong ang mga manufacturer ang nagdesisyon na babaan ang presyo ng kanilang mga produkto sa kabila ng itinakdang Suggested Retail Price ng DTI ngayong holiday season.
Hangga’t maaari kasi aniya, gusto ng mga manufacturer na ma-dispose agad ang mga noche buena product kaya bumababa ang presyo ng mga ito.
Ikinatuwa rin ng dti ang pagsunod ng mga sari-sari store at supermarket sa SRP.
Gayunman, tuloy aniya ang monitoring ng DTI sa lahat ng pamilihan.
Paglilinaw pa ni Castelo – mananatili ang implementasyon ng srp hanggang matapos ang bagong taon.
Facebook Comments