Manila, Philippines – Posibleng bumaba pa ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero – posibleng mahigit piso ang rollback sa diesel at kerosene habang kulang-kulang piso ang tapyas sa gasolina.
Kung sakali, ito na ang magiging ika-pitong sunod na linggong magpapatupad ng rollback ang mga kompanya ng langis.
Gayunman, hindi pa rin matiyak ng DOE kung hanggang kailan magtutuluy-tuloy ang rollback sa langis dahil nakadepende pa rin daw ito sa presyo ng langis sa world market.
Facebook Comments