GOOD NEWS | Presyo ng mga bilihin, asahang bababa

Manila, Philippines – Asahan na ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin dahil sa mga bagong kautusan ng gobyerno.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, maglalaro sa piso o higit pa ang ibababa ng presyo ng mga bilihin sa pamamagitan ng mga bagong kautusan gaya ng Memorandum Order 26 na nag-uutos sa DTI at Department of Agriculture (DA) na pababain ang farm gate at retail price.

Batay naman sa Administrative Order Number 13, aalisin na mga tariff barrier at babawasan ang proseso sa pag-angkat ng mga agricultural products.


Sabi naman ni Fidian Ples, secretary general ng Philippine Consumer Centric Traders Association, nag-stabilized na ang presyo ng bilihin sa kanilang mga supermarket.

Facebook Comments