Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati si Health Secretary Francisco Duque III sa pharmaceutical industry dahil sa mga nagawa nitong pagpapababa sa presyo ng mga gamot.
Ayon sa kalihim, base sa pinakahuling survey na ginawa ng DOH, lumiit ang agwat ng presyo ng mga generic na gamot kumpara sa international counterpart ng mga ito.
Mula aniya sa 18 times na price difference noong 2002, nagawa itong pababain ng pharmaceutical industry ng apat na beses na diberensya, noong 2017.
Ayon kay Duque, sa tulong ng public – private partnership sa ilalim ng Formula One Plus for Health Strategy, mapapababa pa ng gobyerno ang presyo ng mga gamot partikular sa mga priority diseases.
Facebook Comments