Manila, Philippines – Sa ika-pitong sunod na linggo asahan na ang panibagong bawas presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Rodela Romero, Assistant Director ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng Department of Energy (DOE), hindi pa mai-aanunsiyo kung magkano ang makakaltas sa presyo ng petrolyo.
Kailangan pa kasi aniyang hintayin ang resulta ng oil trading hanggang ngayong araw.
Giit ni Romeo, kung walang magiging aberya ay posibleng magtuloy-tuloy ang bawas presyo hanggang 2019.
Sabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi, na panahon na para humanap ng langis sa sarili nating bansa.
Aniya, target ng inilunsad nilang Philippine Conventional Energy Contracting Program na magkaroon ng oil exploration ng langis sa Cagayan, Palawan, Sulu Sea, North Luzon, Cotabato at Agusan.