Lumabas na nitong katapusan ng Nobyembre ang resulta ng pinakahuling Nursing Licensure Examination.
Sa top 10, tatlong Pangasinense ang nakapasok. Ito ay sina Alyssa Beatriz Coquia na mula sa Dagupan City. Siya ay nakakuha ng 88.80 % passing rate at nakuha ang top 7 sa naturang exam.
Si Coquia ay nagtapos ng kursong Nursing sa University of Sto. Tomas sa Manila.
Kapwa napunta naman sa top 9 na may 88.40% passing rate sina Patrick John Fomosa ng Rosales, Pangasinan at Dancille Marie Celeste ng Anda.
Si Fomosa ay nag aral sa St. Luis University sa Baguio at mula naman sa University of Pangasinan – Phinma si Celeste.
Ayon naman sa datos na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), 18529 ang nakapasa mula sa 24903 examinees.
Magsisimula naman sa mga nakatakdang araw sa darating na January 2023 ang registration para sa issuance ng Professional Identification Card ng mga nasabing board passers. |ifmnews
Facebook Comments