GOOD NEWS | Sahod ng mga contract of service at job order workers, nakatakdang itaas

Manila, Philippines – Nakatakdang itaas ng gobyerno ang sahod ang Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers simula sa Enero a-uno, 2019.

Ang increase ay base sa joint circular no. 1, series 2018 na inisyu ng Civil Service Commission (CSC), Commission on Audit at Department of Budget and Management (DBM).

Sa ilalim ng bagong panuntunan, ang sweldo ng mga COS at JO workers ay pantay sa mga sahod sa mga kaparehas na posisyon sa gobyerno.


COS at JO workers ay makatatanggap na rin ng premium na 20% ng kanilang sweldo simula sa susunod na taon.

Ang premium payment ay buwanang ibibigay, sa pamamagitan ng lump sum o tranches.

Facebook Comments