Manila, Philippines – Nangangailangan ang Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ng 1,000 Filipina nurses sa ilalim ng government-to-government program.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Administrator Bernard Olalia, ang KSA ay tumatanggap ngayon ng mga specialist nurses lalo na sa larangan ng neonatal intensive care unit, coronary care unit, intensive care unit, nursery, emergency room, surgical wards at obstetrics and gynecology.
Ang mga aplikante ay dapat graduate ng BACHELOR’S DEGREE in NUrsing at mayroon ding two-years experience.
Tatanggapin din kahit wala pang board license mula sa Professional Regulation Commission (PRC) o Saudi Council Certificate / Prometeric Passer.
Sinabi ni Olalia, ang mga matatanggap na nurse ay mabibigyan ng sahod ng 4,100 Saudi riyal o 58,302 pesos.
Ang mga kwalipikadong aplikante ay maaring mag-register online sa www.poea.gov.ph o sa www.eregisterpoea.gov.ph.
Maari ring personal na isumite ang aplikasyon sa manpower registry divison sa Blas F. Ople Building, Ortigas Avenue corner Edsa, Mandaluyong City.