Manila, Philippines – Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill.
Ang panukalang batas ang siyang magpoprotekta sa mga manggagawa laban sa kontraktwalisasyon
Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello – hindi na hinintay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa labor day sa Mayo 1.
Sabi ng kalihim – good news ito para sa mga manggagawa na namomroblema sa biglaang pagkakatanggal sa trabaho o pagpaso ng kanilang kontrata.
Aminado rin si Bello na maraming gagawin para matupad hangarin ni Pangulo na tuluyang matigil ang ENDO o end of contract sa sektor ng paggawa.
Facebook Comments