Manila, Philippines – Maaring nang kunin ng mga OFW ang kanilang terminal fee refund sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa pamamagitan ng pag-prisinta ng kopya ng kanilang tickets na may locator code, o reference at pasaporte.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, ang mga OFW ay maaring magtungo sa ground floor ng MIAA Administration building mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes maliban tuwing holidays.
Nitong Marso 15, 2017, nilagdaan ng MIAA ang Memorandum of Agreement (MOA) kasama ang mga airline officials para buwagin ang koleksyon ng ‘terminal fee’ para sa mga OFW.
Ang mga OFW ay hindi na magbabayad ng 550 pesos terminal fee.
Facebook Comments