Lumago ang total trade ng Pilipinas nitong nakaraang Hulyo.
Ito ay sa halagang $15.2 billion.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito na ang pinakamalaking trade growth mula Enero.
Ibig sabihin, lumakas ang pagluluwas at pag-aangkat ng produkto.
Gayumpaman, iginiit ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia na hindi dapat magpapakampante ang pamahalaan lalo at nasa kalagitnaan ng ‘trade war’ ang Estados Unidos at China.
Sinabi ni Pernia, ang nakikita niyang paraan upang lumakas ang export ng bansa ay ang pagpapatupad ng ease of doing business.
Kailangan na ring itaguyod ang mga programa na nakapaglalakas ng produkyon sa sektor ng agrikultura.
Facebook Comments