GOOD NEWS: VETERINARY MEDICAL MISSION, ISINAGAWA SA BAYAN NG BINALONAN

Matagumpay na naserbisyuhan ang mga fur babies ng mga Binalonians sa naganap na Veterinary Medical Mission sa Binalonan Rock Garden, Binalonan, Pangasinan 8am nitong October 19, 2022.
Naging parte ng mga serbisyo para sa mga alagang aso at pusa ang consultation, anti-rabies vaccination, vitamins administration, castration at spaying para sa mga babaeng pusa.
Hindi lamang ito naging bukas para sa mga Binalonians kundi maging sa mga kalapit na bayan din ngunit first come first serve basis until supplies last.

Tiyak na naging happy ang mga furparents sa matagumpay na serbisyong ito para sa kani kanilang mga alaga. |ifmnews
Facebook Comments