GOOD NEWS | Wala na ang mahabang pila sa MRT-3; Labintatlong tren, napapakinabangan agad sa buena manong biyahe

Manila, Philippines – Kung ihahambing sa nakalipas na buwan na anim na tren ang pinabibiyahe sa pagbubukas ng operasyon ng Metro Rail Transit Line-3, kaninang 5:30 am, labintatlong tren na ang napapakinabangan ng riding public.

Bandang alas-7:24 kagabi nang ay nai-akyat na sa 16 ang bilang ng mga tumatakbong tren sa kanilang main line mula sa dating 15.

Dahil dito, wala na ang mahabang pila nabawasan pa ang oras ng paghihintay dahil mahigit limang minuto na lamang ang paghihintay ng mga pasahero sa bawat istasyon bago sila makasakay sa susunod na biyahe ng tren.


Sa ngayon, target nang gawing 20 ang operational train ng MRT-3 na may tig-tatlong bagon na bahagi ng ‘Phase 2’ ng kanilang train restoration and commissioning program.

Pinaplano rin ng pamunuan ng tren sa ‘Phase 3’ ng programa na pataasin pa ang kanilang kapasidad sa 25 tren na may tig-apat na bagon upang lalo pang mapagsilbihan ng mabuti ang mga commuters.

Batay sa datos noong August 2012, umabot sa mahigit 620,000 ang tinatawag na ‘actual ridership’ sa MRT-3, pero dahil sa kapos ang biyahe ng mga tren ay kadalasan nang kalbaryo ng mga Juan Dela Cruz ang mahabang pila at matagal na oras ng pag-hihintay.

Facebook Comments