Manila, Philippines – Sa Pebrero a 10 ilulungsad na ang kauna – unahang direct charter flight sa pagitan ng Xiamen, Fujian sa China at ng Puerto Princesa, Palawan, o kung tawagin ay XMN-PPS route.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, mas asahan pa ang pagdagsa ng mga turista mula sa China, dahil bahagi aniya ito ng resulta sa yumayabong na ugnayan ng ating bansa sa China.
Nasa 480 international air seats ang nakalaan sa unang flights, na bahagi aniya ng National Tourism Development Plan’s upang pagigtingin ang ating koneksyon sa mga major tourist source ng Pilipinas.
Base sa datos ng Department of Tourism, ang bansang China ang pumapangalawa sa pinagmumulan ng pinakamaraming tourist arrivals ng bansa, sumunod sa Korea, kung saan masa higit 900 mga Chinese tourist ang nagtungo dito sa bansa, mula January hanggang December 2017.