Manila, Philippines – Pinarangalan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra ang isang airport taxi driver na nagsauli ng black pouch na naglalaman ng malaking halaga ng salapi na naiwan ng kaniyang pasaherong dayuhan.
Ang pagkilala ay isinagawa kanina sa flag raising ceremony sa LTFRB.
July 3 nang isakay ni Rodney Chad Mallari ang American batiobal national na si Belen Swegler na nagpahatid noon sa NAIA Terminal 2.
Sa pagmamadali ay naiwan ni Swegler ang kaniyang black pouch na naglalaman ng Iphone 8, 2,500 US dollar, 150,000 peso cash at ibang credit card.
Nai-report agad ni Rodney sa airport action officer ang pag-iwan ng pouch kung kaya at naipagbigay alam kaagad kay Swegler.
Sa labis na katuwaan at paghanga, binigyan ni Swegler ng reward money si Mallari kapalit ng kaniyang kabutihang loob.
Hind ito ang kauna-unahan pagkakataon na nagbigay ng award ang LTFRB.
Ilang namumukod tanging tsuper na rin ang nabigyan ng katulad na pagkilala dahil sa kanilang katapatan na dapat maging huwaran ng ibang tsuper.