Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na puspusan ang pagtatrabaho ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte para pagsilbihan ang taumbayan at itaguyod ang kaunlaran sa bansa.
Tugon ito ng Palasyo sa lumabas ng survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong December 2018 na nananatiling ‘good’ ang satisfaction rating ng President’s cabinet.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – ikinalugod nila ang resulta ng survey.
Aniya, magsisilbi itong inspirasyon para sa kanila para magtrabaho pa ng mabuti para maihatid sa bawat Pilipino ang komportableng pamumuhay.
Umapela rin ang Palasyo sa publiko ng pagkakaisa para sa kapayapaan at progresibong bansa.
Facebook Comments