Manila, Philippines – Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pulis at militar matapos maaresto si Vicente Ladlad, isa sa mga leader ng rebeldeng komunista.
Matatandaang naaresto si Ladlad sa isang subdivision sa Quezon City kung saan nakumpiska sa kanya ang ilang armas.
‘Good work’ ang sinabi ng Pangulo kina PNP Chief, Director General Oscar Albayalde at AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez Jr., sa Malago Clubhouse sa Malacañang.
Iginiit ni Albayalde – ang pagkaka-aresto kay Ladlad ay nagmula sa mga sumbong ng concerned citizens na may hawak siyang mga loose firearms at mga pampasabog.
Dagdag pa ni Albayalde – nilabag ni Ladlad ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee (JASIG).
Itinanggi rin ng PNP na itinanim lamang ang mga ebidensya laban kay Ladlad.