GOODNEWS: BAYANIHAN, NANGIBABAW MATAPOS ANG NANGYARING SUNOG SA BAYAN NG BANI

Tila sinakluban ng langit at lupa ang ilang Market Vendors sa Pamilihang Bayan ng Bani, Pangasinan matapos natupok ng apoy ang kanilang mga paninda nitong nakaraang December 29, 2022.
Ilang araw matapos ang insidente, agad na naglunsad ng Call for Donation Campaign ang lokal na pamahalaan ng Bani, para makapagbigay tulong sa mga apektadong Market Vendors.
Sa ngayon, dagsa na ang mga tulong na natatanggap para sa mga vendors.

Maliban naman dito, ilang mga Government Employees, private citizens at mga Bani Locals ang nagbayanihan upang tulungang malinis ang mga nasunog na parte ng pamilihan.
Bumuhos rin ang mga panalangin para sa mga apektadong vendors. Nagpapatunay lamang na sa gitna ng trahedya, makikita ang diwa ng bayanihan sa ating mga Pilipino.
Samantala, para sa mga nais magpahabol ng kanilang donasyon, mangyaring magpunta sa Official Facebook Page ng bayan ng Bani para sa detalye ng kanilang bank account. |ifmnews
Facebook Comments