Subic, Zambales – Nasa bansa ngayon ang barko ng Japan ito ay ang Japan Maritime Self-Defense Force O JMSDF Akisuki na dumaong mismo sa Subic, Zambales.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Captain Lued Lincuna ang JMSDF Akizuki ay isang destroyer na mayroong SH-60J helicopter na may sakay na 200 officers at crew.
Mananatili aniya ang barko sa bansa para sa tatlong araw na goodwill visit na magtatagal hanggang Lunes, April 16, 2018.
Ito na ang ikalawang pagkakataon na bumisita sa bansa ang barko ng Japanese Navy.
Pinangunahan naman ng Philippine Navy (PN) vessel na BRP Emilio Jacinto (PS35) ang pag-e-escort sa barko, sakay nito ay si Captain Francis Alexander Jose na nangunguna sa Philippine Navy Delegates.
Magsasasagawa naman ng courtesy call si Captain Ryoko Azuma, ang Commander ng Escort Division One, JMSDF at Commander Kazunori Ishii, Commanding Officer ng JS Akizuki kay Commander, Naval Education and Training Command (NETC), Rear Adm. Allan Ferdinand V Cusi ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa tatlong araw na goodwill visit magsasagawa ng goodwill games at tradisyunal na boodle fight ang Philippine Navy na sakay ng BRP Emilio Jacinto at Japanese Destroyer.
Ang goodwill visit ay parte ng pagpapalakas pa ng magandang relasyon ng Pilipinas at Japan.