Google Trends, naglabas ng prediksyon sa kalalabasan ng halalan sa Pilipinas sa Mayo

Itinuturing ang Google Trends bilang pinaka-tumpak na sukatan pagdating sa prediksyon ng mga mananalo, kumpara sa ground surveys batay sa resulta ng mga nakalipas na halalan sa iba’t ibang bansa.

Noong 2004 United States presidential election, inilagay ng isang ground survey si John Kerry na panalo laban kay George W. Bush, pero nagkatotoo ang prediksyon ng Google Trends nang mahalal si Bush.

Nanalo rin si Barack Obama ng magharap sila ni Mitt Romney noong 2012, si Donald Trump laban kay dating First Lady Hillary Clinton noong 2016 at ang panalo ni Joe Biden laban kay Trump noong 2020.


Ganito rin ang naging karanasan ng Brazil, Spain, at Canada, ilang bansa sa Asya tulad ng Malaysia at Pakistan.

Maaari ring mangyari ang ganitong senaryo sa Pilipinas sa pagitan nina Vice President Leni Robredo at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Lamang si Marcos sa ground surveys, ngunit angat si Robredo pagdating sa Google Trends.

Pagdating sa sentiment analysis, angat si Robredo kumpara kay Marcos, sa negative sentiment naman, una si Marcos kay Robredo.

Ayon kay Persuasion Specialist Alan German, sinusukat ng ground surveys ang gusto ng taumbayan sa isang partikular na panahon habang sinusukat ng Google Trends ang galaw kung sino ang posibleng iboto ng tao, kaya mas tama ang resulta nito.

Ngunit pagdating sa Google Trends, sinabi ni German na ito’y nakabatay sa pagkilos at maaaring ikumpara sa iba’t ibang pag-uugali na hahantong sa panalo at malinaw na si Robredo ang magwawagi sa 2022 batay sa Google Trends.

Facebook Comments