Gordon at Drilon, muling pinasaringan ng pangulo

Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang mga senador na nangunguna sa pagsasagawa ng pagdinig hinggil sa umano’y maanomalyang pagbili ng medical supplies sa Pharmally.

Sa talk to the people sinabi ng pangulo kina Sen. Richard Gordon at Sen. Franklin Drilon na hindi siya makaka-abot sa pagka-pangulo ng bansa kung siya ay isang corrupt public official.

Pinararatangan kasi ng mga senador si PRRD na nag-aabugado sa Pharmally.


Pahaging pa nito na ang 2 senador nga ang mga corrupt officials dahil tumanggap umano ang mga ito ng campaign funds mula sa mga tao na gumagawa ng kalokohan kasama ang mga miyembro ng Kongreso.

Giit pa nito, walang makukuhang butas ang oposisyon dahil wala sa sistema ng administrasyong Duterte ang katiwalian.

Facebook Comments