Gordon, dismayado sa hindi pagsasampa ng kasong administratibo laban kay Albayalde

Dismayado si Blue Ribbon Committee at Committee on Justice Chairman Senator Richard Gordon.

Ito ay kasunod ng desisyon ng Department of Interior and Local Government o DILG na huwag sampahan ng kasong administratibo si dating Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde.

Sa pagpresenta ni Senator Gordon sa plenaryo ng Senado ng committee report ukol sa pagdinig sa ninja cops isyu ay kanyang binigyang diin na malinaw na may alam si Albayalde sa kontrobersyal na drug raid sa Pampanga noong November 2013.


Kasama sa rekomendasyon ng komite na kasuhan si Albayalde dahil sa siya ang Pampanga Provincial Director nang mangyari ang kontrobersyal na drug raid.

Sinopla rin ni Gordon ang katwiran ng DILG na moot and academic na para sa sampahan ng administrative charges si Albayalde.

Paliwanag ni Gordon, sa November 8, o bukas pa magreretiro si Albayalde kaya pwede pang ihabol ang kasong administratibo laban sa dito.

Facebook Comments