Gordon Hayward ng Celtics, hindi pa rin makakalaro sa game 1 ng Eastern Conference finals kontra Miami Heat

34

Hindi pa rin makakapaglaro si Gordon Hayward sa laban ng Boston Celtics kontra Miami Heat sa Eastern Conference finals na magsisimula na bukas.


Ayon kay Celtics coach Brad Stevens, bagama’t magaling na ang sprained ankle ni Hayward ay hindi pa rin niya masabi kung kailan ito muling makakapaglaro.

Matatandaang isa si Hayward sa main man ng Celtics na nag-a-average ng 17.5 points, 6.7 rebounds at 4.1 assists kada laro sa regular season.

Facebook Comments