Gound Breaking Ceremony sa Bagong Paaralan na Bahagi ng RP-US Balikatan 2018, Isinagawa!

Cauayan City, Isabela – Isinagawa kaninang umaga ang ground breaking ceremony para sa itatayong silid aralan sa isang eskuwelahan dito sa Ilagan, Isabela bilang bahagi ng mga kapakinabangan mula sa RP-US Balikatan 2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Dina Cabalonga, Principal ng Alibagu Elementary School sa Lungsod ng Ilagan, aniya lubos ang kanyang pasasalamat sa panibagong silid aralan sa kanyang eskuwelahan na bigay ng mga sundalong amerikano.

Kanyang ibinahagi na ang naturang proyekto ay ipinatayo sa ilalim ng Humanitarian Civic Assistance –Engineer Civic Assistance Program o HCA-ENCAP ng RP-US Balikatan Exercizes 2018.


Ang Alibagu Elementary School ay isa lamang sa apat na lugar dito sa Isabela at Cagayan na mabibigyan ng classroom mula sa US Armed Forces.

Magugunita na sa naunang panayam ng DWKD RMN Cauayan kay Cagayan Economic Zone Authority Chairman at CEO Atty Raul Lambino, sinabi niya na bahagi ng RP-US Balikatan 2018 exercises ay gagawin sa Sta Ana, Cagayan na karatig lalawigan ng Isabela sa darating na Mayo 8-19 ngayong 2018.

Ang naging kinatawan kanina sa ginawang ground breaking ceremony ay si Captain Gregory McMillan ng US Armed Forces.

Samantalang ang kumatawan sa 5th ID, PA ay ang Deputy Commanding General na si BGen Alden Juan Masagca.

Facebook Comments