CAUAYAN CITY – Personal na umikot sa buong Probinsya ng Quirino si Governor Dax Cua kasama ang iba pang mga opisyal upang tingnan ang sitwayson ng mga nasalanta ng bagyong Nika.
Dahil sa lakas ng ulan at hangin, ilang barangay ang nawalan ng kuryente, ilang daan ang hindi madaanan dahil sa landslide at ilang tulay din ang nasira ng bagyo.
Bilang tugon sa pangangailangan ng mga apektadong indibidwal, nagpaabot ng food at non-food items ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quirino.
Samantala, naglunsad din ng Free Charging Station ang Provincial Government of Quirino simula kahapon, ika-13 ng Nobyembre at magtatapos ito ngayong araw, ika-14 ng Nobyembre mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Facebook Comments