Gov. Hataman, ikinatuwa ang pag-angat ng GRDP growth rate ng ARMM!

Nagagalak si ARMM Governor Mujiv Hataman sa pag-angat sa 7. 3% ang economic growth rate ng rehiyon noong 2017.
Sinabi ni Gov. Hataman na Masaya s’ya dahil papasok sa transition mula ARMM government tungo sa Bangsamoro government na may iniwang marka ang kanyang administrasyoon, magiging hamon din anya ito sa mga susunod na mamumuno sa bagong political entity.
Panawagan ni Gov. Hataman sa line agencies sa rehiyon na ipagpatuloy at panatilihin ang magandang performace at kung maari ay mas lalo pang paghusayan at lagpasan pa ang natamong economic growth rate ng rehiyon.
Ang ARMM ay pang-anim sa 17 mga rehiyon sa bansa sa usapin ng GDRP growth rate at nananatiling natatanging agricultural region.

Facebook Comments