Makaraang i-anunsyo ng AFP ang pagkasawi nina Isnilon Hapilon at Omarkhayam Maute sa Marawi city, nagpalabas ng pahayag si ARMM Gov. Mujiv Hataman.
Anya, hudyat ito ng pagtatapos ng halos 5 buwan ng labanan.
Asahan na magpapatuloy ang kanilang mga serbisyo sa mamamayan at magbibigay ng kinakailngang resources at assistance upang pangasiwaan ang ang transition.
Kinilala din ni Gov. Hataman ang mga sundalo at pulis na buong tapang na nakikipaglaban sa teroristang grupo kung saan marami sa mga ito ay nagbuwis ng buhay, government workers, non-profit private organizations, at volunteers.
Ang naturang tagumpay ay nangangahulugan ng pagtatapos ng pagkubkob ng teroristang grupo sa Marawi city, ngunit nangangahulugan din ito ng mahabang proseso ng healing and recovery sa panig ng mamamayan ng Marawi, dagdag pa ng gobernador.
Gov. Hataman, may pahayag sa pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omarkhayam Maute!
Facebook Comments