Gov. Imee Marcos, hindi na rin maalala ang ibang transaksyon sa pagbili ng mga sasakyan ng Ilocos

Manila, Philippines – Tulad ng mga naunang sagot ng Ilocos 6, hindi na rin maalala ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ang ibang mga naging detalye ng transaksyon ng pagbili ng mga sasakyan gamit ang tobacco excise tax fund noong 2011 at 2012.

Paulit-ulit na inungkat ni Pampanga Rep. Juan Pablo Bondoc kung cash advances ang ginamit na paraan para pambayad sa mga nabiling sasakyan.

Nagtataka si Bondoc kung papaano nauna ang cash advances na hindi muna dumadaan sa bidding process.


Dito ay nagisa si Marcos dahil hindi niya matandaan ang detalye ng petsa at kung magkano ang ibang mga biniling sasakyan.

Katwiran ng gobernadora kung iyon lamang ang kanyang gagawin ay wala na siyang magagawang ibang trabaho.

Pagtatanggol ni Marcos na hindi ibig sabihin na nagcash advance ay ibinulsa ang pera sa kabila ng sinasabi ng COA na mali ang ginawang cash advance.

Inamin din ni Marcos na dalawa sa naging transaksyon sa 40 multicabs, 5 bus at 70 mini trucks ang cash advances at dumaan sa direct contract.

Mariing iginiit naman ng gobernadora na walang overpricing, walang ghost projects at walang korapsyon sa pagbili ng mga sasakyan.

Hiniling din ni Marcos sa komite na palayain na ang Ilocos 6 dahil wala namang kasalanan ang mga ito sa ibinabato sa kanila.

Facebook Comments