Gov. Mamba ng Cagayan, Hinamon ang DA Region 2; Bentahan ng Umano’y Binhi, Kalat sa Social Media

Hinamon ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang Department of Agriculture Region 2 kaugnay sa kumakalat na video kung saan, ibinebenta umano ang binhi sa mga magsasaka.

Sa isang radio program, sinabi ng Gobernador na dapat mismo ang DA ang nagpapaimbestiga sa insidente ng di umano’y bentahan ng binhi kung talagang walang kinalaman ang ahensya rito.

Dapat rin aniya ay papanagutin ang totoong nasa likod ng bentahan ng binhi.

Binanatan rin ni Mamba si dating DA Secretary William Dar at sinabing wala umano itong nagawa sa kagawaran at iginiit na wala rin itong kontrol sa mga Regional Directors ng ahensya.

Facebook Comments