Hinikayat ni Maguindanao Gov.Esmael Toto Mangudadatu ang Moro Islamic Liberation Front(MILF) na maprotektahan ang mga katutubong Teduray mula sa ginagawang pagsalakay ng Bangsamoro Islamic Feeedom Fighter ((BIFF). Ginawa ni Gov. Mangudadatu ang panawagan kasabay ng isinagawang Provincial Peace and Order Council meeting(PPOC) kahapon sa bayan ng Buluan Maguindanao.
Napag usapan sa pulong ang sitwasyon ng libo libong katutubo na nadisplaced mula Mt.Firis sa hangganan ng mga bayan ng Datu Hofer, Datu Unsay at Datu Saudi dahil sa serye ng pag atake ng BIFF. Ang mga apektadong residente ay mga etnikong residente mismo ng lugar. Sinabi pa ni Mangudadatu na maaring tumulong ang joint ceasefire committee ng GPH at MILF para mabigyang seguridad ang mga residente na nasa paligid ng Mt.Firis.(Amer Sinsuat)
Gov Mangudadatu hinikayat ang MILF na tumulong para maprotektahan ang mga katutubong Teduray sa pag atake ng BIFF
Facebook Comments