Gov. Mangudadatu, tiniyak na may masisibak sa naganap na jailbreak sa provincial jail!

Tiniyak ni Maguindanao Gov. Esmael “TOTO” Mangudadatu na may mananagot at may masisibak sa naganap na jailbreak sa Maguindanao Provincial Jail kamakalawa ng madaling araw.
Sinabi ni Gov. Magudadatu na kung mapapatunayan na may kapabayaan sa panig ng mga nangangasiwa sa naturang bilangguan ay tiyak anyang masisibak sa pwesto.
Anya maliban sa kapulisan na nag-iimbestiga sa insidente ay nagkakaroon din ng impartial investigation ang kanyang tanggapan.
Matatandaang 6 na bilanggo ang matagumpay na nakapuga samantalang nasawi naman ang isa sa mga ito nang barilin ng jail guard nang hindi huminto sa kabila ng warning shots.
Ang mga nakatakas na inmates ay sina Dante Sandigan Kadatuan, may kasong illegal drugs, Illegal possession of firearms and explosive , Goli Kutba Magandong, Sindatuk Ampatua,Sadam Lucas,Aminodin Maliga at Turag Sabal na kapwa may kasong paglabag sa RA 9165.
Patuloy ngayon ang pagtugis ng mga otoridad sa mga pugante na may patong sa ulo na nagkakahalaga ng P30k hanggang P50k mula sa provincial government.

Facebook Comments