Pansamantalang isasara muna sa mga motorista ang kaliwang bahagi ng Govantes Dike sa Ilocos Sur alinsunod sa pagdiriwang ng Kapistahan ng lalawigan.
Epektibo ang naturang kautusan simula ngayong araw, January 08, 2025 hanggang February 15. Inatasan ang publiko na gamitin o dumaan sa kanang bahagi o ang papasok sa Vigan City bilang alternatibong ruta.
Inabisuhan din ang mga drivers na bagtasin ang Rizal Street and Quirino Blvd. papunta sa nakatakdang destinasyon.
Samantala, puspusan na ang isinagawang preparasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Ilocos Sur para sa ilalatag na mga aktibidad kasunod sa naturang selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments