Government agencies na nabigyan ng pondo sa ilalim ng Bayanihan 2, pagpapaliwanagin ng Senado

Hihingan ng Senado ng full report ang mga ahensya ng pamahalaan na nabigyan ng bahagi ng P165 billon na pondong nakapaloob sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 na nag-expire na nitong June 30.

Sinabi ito ni Senate Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara matapos ihayag ng Malacañang na nai-release sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang buong P165 billion.

“We will have to ask the agencies why they did not spend the funds,” sabi ni Angara.


Ayon kay Angara, hihingan nila ng kumpletong report ang mga kinauukulang ahensya at pagpapaliwanagin ang may pondo pang natitira na hindi nagamit.

“We will ask for a full reporting of their disbursements, if there are unspent funds – the reasons kung bakit hindi nagastos,” ani Angara.

Paliwanag ni Angara, aalamin nila ang dahilan kung bakit hindi pa nagagastos ang pondo na nakalaan para itulong sa mga labis na apektado ng COVID 19 pandemic.

Facebook Comments