Government borrowing ng bansa para sa buwan ng Agosto, bumaba ng 7%

Bumaba ng 7% ang government borrowing ng bansa nitong buwan ng Agosto.

Batay sa datos ng Bureau of the Treasury (BTr), umabot sa P124.06-B ang government borrowing nito noong Agosto, na mas mababa kumpara sa P133.34-B na naitala noong kaparehong panahon ng nakaraang taon.

Ito ay dahil sa pagbawas ng ‘borrowings’ mula sa domestic market kaya’t bumaba ito.


Samantala, ang domestic borrowings ng pamahalaan mula Enero hanggang Agosto ay bumaba rin ng 18% mula P1.57 trillion na naging P1.28 trillion.

Sa kabuuang utang, 68% o P9.79 trillion ay hiniram mula sa domestic lenders habang ang 32% o P4.56 trillion ay hiniram mula sa foreign lenders.

Facebook Comments