Mag-iinspeksyon sa Lunes sa pasilidad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa MIA Road, Pasay City ang Governance Commission for GOCCs.
Ito ay bahagi ng gagawing evaluation ng GCG sa scorecard ng CAAP kasunod ng nangyaring technical glitch noong Bagong Taon kung saan daan-daang flights ang nakansela.
Una nang binigyan ng tatlong araw ng Governance Commission for GOCCs (GCG) ang CAAP para magsumite ng report sa nasabing tanggapan.
Ayon kay GCG Chairperson Alex Quiroz, bilang partners ng CAAP sa national development at public service, makakatulong aniya ang report hinggil sa kung paano pa nila masusuportahan ang CAAP para hindi na maulit ang aberya sa air control system.
Ang Governance Commission bilang central advisory, oversight, at monitoring body para sa GOCCs, ang siyang nag-mo-monitor at nagsasagawa ng evaluation sa operasyon ng GOCCs para maging transparent at responsive sa mga pangangailangan ng publiko.