Government employee, arestado sa pagnanakaw sa isang mall dito lungsod ng Cauayan

Cauayan City, Issabela – Arestado ang isang government employee makaraang mahuliang nagnakaw ng sapatos na nagkakahalaga ng halos apat na libong piso sa isang mall sa Cauayan, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Rolly Calimag may asawa at residente ng purok singko Barangay San Fermin siyudad ng Cauayan.

Ayon sa ulat, pumasok ang suspek sa nasabing department store.


Kinuha ang nasabing sapatos at pumasok sa fitting room.

Nang lumabas, inilagay ang nasabing item sa isang plastic bag na kaniyang dala-dala.

Agad itong kinompronta ng civilian guard at nang ito ay kapkapan.
Nakuha sa kaniyang pag-iingat ang isang pares ng sapatos.

Agad itong ipinasakamay sa himpilan ng pulisya at sinampahan na ng kasong pagnanakaw.

Facebook Comments