GOVERNMENT EMPLOYEE SA NUEVA VIZCAYA, ARESTADO DAHIL SA PAGTUTULAK NG DROGA

CAUAYAN CITY – Inaresto ng Bayombong Police Station ang isang government employee matapos nitong bentahan ng ilegal na droga ang isang pulis na nagpapanggap na buyer sa Aglipay Street, District 4, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Bong”, nasa hustong gulang, tinaguriang High Value Individual (HVI) at residente ng Santo Domingo, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation, nakuha mula sa kanya ang tatlong (3) sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money at cellphone.


Ayon sa ulat ng mga pulis, ito na ang ikatlong beses na nahuli ang suspek dahil sa droga.

Sa unang pagkakahuli nito, natapos umano nito ang parusang ipinataw sa kanya habang naghain naman ito ng plea bargaining agreement sa ikalawang pagkakataon.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng PNP Bayombong ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002.

Facebook Comments