Umapela si Health Committee Chairman Christopher ‘Bong’ Go na palakasin ang government intervention sa pagtugon sa nakakabahalang pagtaas ng mga kaso ng Human Immunodeficiency Virus infection and Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV/AIDS) sa bansa.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH), sa 1,454 na bagong kaso ng HIV na naitala sa buwan ng Enero ngayong taon, 86 na kaso rito ay mga adolescent at mga bata, kung saan pito rito na mga batang edad 10 pababa ang naitalang may HIV.
Naalarma ang senador dahil tumataas din ang bilang ng mga kabataang nahahawaan ng sakit kaya naman binigyang-diin ni Go na kailangan ng higit na panghihimasok ng gobyerno para tugunan ang agwat sa pagpapatupad ng Philippine HIV and AIDS Policy Act.
Tinukoy ni Go na mayroon namang sapat na pondo ang pamahalaan para itaas ang kamalayan ng mga Pilipino sa paglaban sa pagkalat ng HIV-AIDS sa bansa.
Sa 2023, itinaas sa P52 million ang pondo ng Philippine National AIDS Council at P1.433 billion naman ang budget para sa HIV at iba pang sexually transmitted infections.