Government officials, hinamon ni Robredo na isapubliko ang SALN para patunayang hindi korap

Hinamon ni Vice President Leni Robredo ang mga opisyal ng gobyerno na ipakita sa publiko ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) para patunayang walang bahid ng korapsyon ang kanilang mga kamay.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa public address nito noong Huwebes, na magiging state auditor siya ng lahat ng ahensya ng gobyerno oras na manalo siyang bise presidente sa May 2022 elections.

Pero sabi ni Robredo, hindi trabaho ng vice president ang mag-audit dahil ito ang mandating ibinigay ng Konstitusyon sa Commission on Audit (COA).


“Wala yan sa mandato namin. Ang mandato ng VP, succession lang. Creative na lang kami kaya meron kaming anti-poverty combat, may mga programa ngayong COVID,” paglilinaw ni Robredo.

“Yung pag-audit, nakalagay yan sa isang constitutional body para may independence, hindi napapakialaman ng ibang branches of government,” dagdag niya.

Sa halip, pinayuhan niya ang mga opisyal ng gobyerno na sumunod sa requirements ng COA at isapubliko ang kanilang SALN.

“Ang daming ibang paraan para ipakita mo na anti-corruption ka. Yung SALN, isa yun sa napakalaking dahilan para ipakita mo na bukas lahat ng information na magpapakita na walang korapsyon,” aniya.

“Yung COA audit report ng mga oisina, pagpapakita ‘yun na sumsunod tayo sa lahat ng patakaran, assessment yun ng COA na walang korapsyon na nangyayari.”

Katunayan, giit ni Robredo, kung mayroon mang pinaka-importanteng opisina na makakatulong para mabawasan ang korapsyon, ito ay ang Office of the President.
Noong September 2020, matatandaang ipinagbawal ng Office of the Ombudsman ang pag-access sa SALN ng mga public officials nang walang pahintulot mula sa opisyal.

Facebook Comments