Government officials, sisimulan nang mag-inspeksyon sa cold storage facilities sa susunod na linggo

Sisimulan nang mag-ikot ng mga government officials para mag-inspeksyon sa cold chain facilities sa susunod na linggo.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr., ito ay para masigurong nasa maayos na storage ang mga dadating na bakuna at hindi maapektuhan ang pagiging epektibo nito.

Paliwanag pa ni Galvez, iniiwasan nilang may mga masayang na bakuna na kagaya ng nangyari sa ilang lugar sa Europe kung saan 30 percent ng biniling COVID-19 vaccines ang hindi na maaaring gamitin.


Una nang bumili ang pamahalaan ng 10 ultra-low temperature freezers bilang paghahanda sa inaasahang pagdating ng bakuna ng Pfizer sa Pebrero.

Samantala, nilinaw naman ni Galvez na limitado pa lamang sa ngayon sa Metro Manila, Cebu City at Davao City ang Pfizer vaccines dahil ang mga ito lamang ang naka-aabot sa requirements para sa storage ng mga bakuna.

Facebook Comments