Manila, Philippines – Umaasa ang Pamahalaan na matutuloy na ang pamimigay ng mga satellite facilities sa lahat ng mga barangay sa buong bansa.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nais ng administrasyon na mailunsad ang proyekto sa darating na Hunyo kahit hindi biro na abutin ang 42 libong barangay.
Bahagi aniya ito ng Government Satellite Network o GSN na inaprubahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang cabinet Meeting.
Layon aniya nito na mapabilis ang paghahatid ng internet service sa pamamagitan ng satellite sa mga liblib na lugar sa bansa.
Nilinaw ni Andanar na target sa proyekto ang mga government offices sa 42,000 barangays gayundin ang lahat ng opisina ng PCOO, mga attached agencies at kung sino pa ang gustong kumuha ng serbisyo.