Government Task Force, magpupulong para talakayin ang bagong COVID-19 strain mula UK

Nakatakdang talakayin ng government task force ang planong kung paano maiiwasan ang pagpasok ng bagong uri ng Coronavirus na unang nadiskubre sa United Kingdom.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may mga nakalatag na health protocols para i-test at i-quarantine ang mga taong papasok sa bansa para pigilan ang Coronavirus transmission.

Kabilang din sa pag-uusapan ay ang protocol sa pagpasok ng mga taong nabakunahan na ng COVID-19 vaccine.


Nabatid na ilang European nations na ang nagpatupad ng travel ban sa United Kingdom matapos maiulat ang bagong nakakahawang Coronavirus strain.

Kabilang sa mga bansang nagpatupad ng travel ban mula sa UK ay ang France, Germany, Italy at Ireland.

Una nang nagpatupad ang UK ng mahigpit na restrictions sa kanilang mga kababayan kabilang ang stay-at-home rule.

Facebook Comments