Governor Albano, Popondohan ang Pagbili ng COVID-19 vaccine para sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Tiniyak ni Isabela Governor Rodito Albano III ang paglaan ng pondo para sa 100,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa kumpanyang Astrazeneca.

Sa isang pahayag, sinabi ni Albano na prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang matiyak ang kalusugan ng lahat ng IsabeleƱo partikular na ang mga kabilang sa most vulnerable at high-risk sectors.

Kaakibat rin ito ng implementasyon sa Local COVID-19 Vaccination Plan ng probinsya upang dagdagan ang mga naunang pagbili ng national government ng bakuna laban sa banta ng COVID-19.


Samantala, muli namang nadagdagan ang naitatalang kumpirmadong kaso ng mga tinamaan ng virus sa probinsya na pumalo na sa higit 400 pasyente.

Kaugnay nito, mas marami pa rin ang bilang ng local transmission na umabot na sa 391 habang nasa 55 ang mga frontliners na tinamaan ng nasabing virus.

Facebook Comments