Governor at Bise-Gobernador ng Isabela, Pinangunahan ang Pagbubukas ng Street-Dance Competition ng Bambanti Festival

Ilagan, Isabela – Pinangunahan nina Governor Faustino “Bojie” G. Dy III at Vice Governor Antonio “Tonypet” Albano ng Lalawigan ng Isabela ang Street-Dance Parade Competition ng Bambanti Festival 2018.

Sa ika-limang araw ng Bambanti Festival kahapon, Enero 26, 2018 ay tatlong malalaking aktibidad ang inabangan ng mga mamamayan ng Isabela.

Ito ay ang Street -Dance Competition with their Festival Kings and Queens , ISABELA KONG MAHAL  at Festival Showdown Competition sa Isabela Sports Complex.


Dahil sa walang pasok kahapon sa pagkakadeklara nitong non-working holioday ay dinagsa ang kapitolyo ng napakaraming tao na nagpabagal sa daloy ng trapiko mula Gamu, Isabela hanggang sa centro ng Ilagan City.

Maganda at nakakamangha ang naging pagtatanghal ng mga ibat ibang lumahok sa mga aktibidad ng Bambanti Festival kahapon na siya namang ikinatuwa ng mga nanood.

Samantala, inaabangan din ang pinakahuling araw ng naturang pagdiriwang dahil ngayong araw ng Enero 27 ay ihahayag ang mga mabibigyan ng parangal sa ibat ibang patimpalak sa Bambanti Festival 2018.

Isasara ang Bambanti Festival 2018 ng isang magarbong Grand Concert Party at Grand Fireworks Display Display mamayang gabi.

Facebook Comments